Karen delos Reyes, pasimuno ng gulo sa Survivor Philippines Celebrity Edition

ULTIMATE dream pala ni Karen delos Reyes ang pagsali sa Survivor Philippines Celebrity Edition at hindi raw siya nag-prepare dahil ipinaubaya na raw niya kay Lord lahat.

“Gusto ko lang magsaya at make friends,” say ni Karen.

Prangka kung magsalita si Karen. Sinabi niya na kahit puro guwapo ang mga kasama niya sa “Survivor Philippines” di raw siya puwedeng ma-in-love kaagad.

Aniya: Hindi naman ako yung tipo na mai-in-love agad sa lalaki dahil cute siya. Basta kung sino ang matinong kausap puwede na yun.”

Kumalat ang balitang siya daw ang pasimuno ng gulo sa Survivor dahil pasaway at palaaway?

“Eversince, hindi ako ang nag-start ng gulo. Ako ang inaaway nila at lumalaban lang ako. Pero hindi ako nagpapatalo.

“Hindi ako negative na tao, ‘Yun façade kong kontrabida, palaban ako, pero hindi ako kontrabidang tao,” esplika pa ni Karen.

Ask namin siya kung sinu-sino ba ang nakaaway niyang castaway sa Survivor?

Panoorin at abangan na lang daw sa August 30 sa GMA 7 dahil bawal silang magsalita pagdating sa kung ano ang nangyari sa kanila.

POKWANG, INIYAKAN ANG MGA ISYU LABAN SA KANYA


Iniyakan ni Pokwang ang mga akusasyon sa kanya na diumano paglaki ng ulo, kawalan ng utang na loob, pagiging ingrata at away nila ni Willie Revillame.

“Ganoon naman talaga kapag alam mo na ang karapatan mo. Alam mo na kung paano ka mangatuwiran at alam mo na kung kailan ka nasasaktan. Kapag lumabas ang boses mo para sa kanila, ang laki na ng ulo mo,” katuwiran ni Pokwang.

Sabi pa ni Pokwang kung lumaki na raw ang ulo niya ay wala nang kukuha sa kanya para isama sa isang programa.

Anyway, nagulat si Pokwang sa inihayag ni Linggit Tan na gusto silang ipatanggal ni Willie noon sa Wowowee.

“Sa totoo lang wala akong galit kay kuya, Pero hindi po totoong wala akong utang na loob at paratangang ingrata. Marunong po akong tumanaw ng utang na loob,” pagdidiin ni Pokwang.

Nagpapasalamat si Pokwang sa lahat ng tulong lalo na raw sa management na hindi siya pinababayaan kaya naman sinusuklian niya ito ng katapatan.

ELMO MAGALONA, HINTO SA PAG-AARAL

Napilitang tumigil muna sa pag-aaral si Elmo Magalona dahil sa hectic ng schedule niya sa showbiz.

“Baka next semester na ako makapag-enrol at kapag naayos ang lahat dapat ayusin sa mga schedule ko sa showbiz, tapos babalik ako sa studies,” say ni Elmo sa taping ng “Kaya ng Powers” sa role na isa sa tatlong anak nina Rufa Mae Quinto at Joey Marquez.

Sa episode ng “KNP” ngayong Sabado pagkatapos ng 24 Oras, makakasama ni Elmo as guest sina Aljur Abrenica, Vangie Labalan at Mang Enriquez. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply