Kelot tinangay ng baha, patay

DAHIL sa malakas na agos ng baha ay binawian ng buhay ang isang mister matapos piliting tawirin ang malakas na agos ng baha, habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Winceslao Moscosa, 44, ng Daang Hari, Brgy. Manggahan, nabanggit na bayan.

Naganap ang insidente 11:45 ng gabi kamakalawa sa boundary ng Brgy. San Rafael at Brgy. San Isidro habang ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinilit ng biktima na tawirin ang malakas na agos ng baha para makatawid sa Eastwood Subdivision.

Ngunit sa lakas ng agos ay nahulog sa motorsiklo ang biktima.

Nang makitang inaanod na ang kanyang motor ay muling nilusob ni Moscosa ang baha para sagipin ang kanyang motor pero nahulog siya sa ilog at nalunod.

Makalipas ang ilang minuto, lumutang ang biktima pero wala nang buhay. Jun Ferrer

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply