Kris Aquino, Senador Chiz pilit iniuugnay

Isa sa mga pilit na at hindi mamatay-matay na isyu sa ngayon ay ang relasyong Kris Aquino at Senador Francis “Chiz” Escudero. Hindi lang si Makati Mayor Jun-jun Binay ang naili-link sa kapatid ni Presidente  Benigno “Noynoy” Aquino.

Ayon sa ilang source namin na  taga-Senado hiwalay na raw diumano si Senador Escudero sa kanyang asawa. How true? Nag-text kami mismo kay Senador Chiz, pero until now ay hindi siya sumasagot habang sinusulat namin  ang column na ito.

May ambisyong maging Presidente si Chiz sa 2016.  Kung totoong hiwalay si Chiz sa asawa niya malaki factor kapag si Kris ang naging asawa ni Senador Chiz, bukod sa libre na siya sa mga endorso sa mga artista, malaking bagay pa na siya mismo ang piliing standard bearer ng administrasyon Aquino sa 2016 dahil panay ang depensa niya kay Presidente Aquino sa lahat ng isyu.

Matatandaan sumikat si Senador Chiz nang maging tagapagsalita siya ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr., noong 2007 ay naging number 2 siya sa slot. Kaya malaking bagay talaga ang artista sa mga pulitiko aminin man ‘yan ng iba o hindi. Gary Sta. Ana

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply