Kyusi inaatake ng dengue

PINAGSUOT ng pajama at pang-itaas na may long sleeves ang mga estudyante ng Rosa L. Susano Elementary School dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga dinapuan ng nakamamatay na sakit na dengue kahapon sa Lungsod Quezon.

Ang kautusan ay mula na rin sa pamunuan ng naturang eskuwelahan upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Nilinis din ng mga guro ang mga matubig na lugar kung saan nagkakaroon ng malaking reproduction ng mga itlog ng lamok.

Nabatid, na umabot sa 46 na pupil student buhat sa Grade 4 hanggang Grade 6  ang dinapuan ng nakamamatay na sakit, kabilang dito ang isang guro na si Generoso Fernando, na naka confined sa FEU Hospital dahil sa malubhang kondisyon.

Ayon sa principal na si Milagros Luang, sinimulan na rin nila ang fumigation sa bawat sulok ng gusali at paglalagay ng halaman sa loob ng silid aralan.

Sa ganitong paraan, hindi man mapuksa ay maaaring maitataboy ang mga lamok sa loob ng nasabing eskuwelahan.

Napag-alaman sa pagsasaliksik nina Dra. Maria Eloisa Largoza at clinic teacher Edna Bancifra, mas mataas na bilang na 51 estudyante ang tinamaan ng dengue mula Grade 1 hanggang  Grade 6  noong nakalipas na taon kumpara sa  2010 na umabot lamang sa 46, kabilang ang isang guro.

Sinabi ni Largoza, hindi dapat balewalain ang suliranin,  lalo pa’t  may kaugnayan ito sa kalusugan ng mga estudyante. James de Jesus

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply