Lolo patay, isa pa sugatan sa QC hostage drama

NASAWI ang isang matandang lalaki habang sugatan ang dalagang anak nito matapos barilin ng holdaper na kapitbahay na nang-hostage sa kanila kamakalawa  ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Binoy Corteza, 70, habang nasugatan naman ang anak nitong si Helen Corteza, 17, pawang nakatira sa 32 Road 2, Brgy. Pagasa ng nasabing lungsod.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang naarestong sugatang hostage-taker na si Robert Pingat, 40, ng 32 Road 4, Brgy. Pagasa dahil sa tinamong tama ng bala nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 9 ng gabi noong Linggo nang holdapin ng suspek si Rosemarie Bonifacio ng Lydia’s Bakery sa may Road 4.

Ayon sa saksing si  Paula Alonzo, nang makuha ng suspek ang pakay sa bakery, mabilis itong sumibat patakas subalit namataan naman ito ng mga awtoridad .

Kasunod nito, pinasok ng suspek ang bahay ng mag-ama subalit tinangka ng nasawing biktima na pumalag dahil sa nais silang bihagin, pero kaagad silang pinagbabaril nito.

Dahil dito, nadaplisan ng ligaw na bala ang anak na si Helen na nakalabas ng bahay. Isinugod ito noon din sa Quezon City General Hospital.

Nasakote ang suspek ng mga rumespondeng pulis matapos magpalitan ng mga putok ang magkabilang panig. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply