Luis Manzano imbiyerna sa panggagamit ni Keana Reeves

IMBIYERNA at inis na inis ang kampo ni Lucky Luis Manzano sa patuloy na paggamit ng laos na si Keana Reeves.

Ang ikinainis ng kampo ni Lucky at mga fans nito ay sa isang blind item na tinutukoy ay itong kanilang idol na si Lucky.

Palibhasa nga raw ay laos na at wala nang career si Keanna kaya naman daw nag- ngingiyawyaw na naman ito para pag-usapan na naman.

Nagpaplano na naman daw bumalik sa showbiz world itong laos na na si Keanna kaya gumagawa na naman ng ingay ayon pa sa aming tsismosang kapitbahay.

Sa blind item ay inilantad ni Keanna ang lahat lahat ng mga lalaking nakaulayaw nito at isa nga sa nabanggit sa blind item ay itong name ni Lucky na ang sabi na ang isang artista na nakatsuktsakan ni Keanna  ay may name na suwerte kaya naman naisip ng kampo ni Lucky na ang kanilang idolo ang tinutukoy ni Keanna na na link din sa kanya.

As usual, super deny naman ang kampo ni Lucky na nagkaroon nga sila ng ugnayan ni Keanna at nakakaloka pang tsika ng aming tsismosang kapitbahay ay itong pagsasabing hindi kilala ni Lucky si Keanna.

Pinagtatawanan nga ng aming tsismosang kapitbahay itong kagimikan ni Keanna.

Bakit, paano at may iniwanan ba siya sa showbiz na dapat niyang balikan?

Basta  galit at inis kay Keanna ang kampo ni Lucky sa paggamit ng pangalan ng binata ni Ate Vi.

Wala daw katotohanan ‘yun? Well, well, well… Jovi Llosa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply