Luis Manzano, tahimik na sinusuyo si Angel Locsin

SOBRA talagang nagiging maingat si Luis Manzano tungkol sa mga dapat at hindi niya dapat sabihin tungkol sa pakikipag-communicate niya ulit sa kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin.  Marami tuloy ang nahihiwagaan kung papaano ba niya sinusuyo ngayon ang magandang aktres.  Lagi kasing sinasabi ng guwapong TV host, na hindi pa talaga siya sumusuko sa kanyang magandang layunin, na maging okey ulit sila.

Ang nakakabitin lang, ipinagmalaki na nga ni Luis na sinusuyo na niya ulit si Angel.  Pero nitong huli, ay parang bawal na siya magbigay ng mga ditalye tungkol sa ginagawa niyang panliligaw ulit sa dalaga.  Tuloy, napagibibintangan ang magandang alaga ni Manay Ethel Ramos, na baka ang kundisyon niya para muling magkalapit sila ulit, ay huwag nang ipangalandakan pa ng panganay ni Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang mga ginagawang bagong istilo ng panliligaw para sila magkabalikan.

Masunurin naman si Luis.  Madali rin siyang pakiusapan.  Alam niya kung kailang panahon siya pupuwede at dapat na magsalita.  Nagawa na niya iyan nu’ng may movie sina Angel at Piolo Pascual na ipino-promote.  Talagang nanahimik siya.  Ngayon kasi ay dapat ulit sigurong manahimik si Luis, dahil may dalawang malalaking proyekto ang magandang aktres, una’y ang teleseryeng “Imortal” nila ni John Lloyd Cruz sa ABS-CBN, at may movie rin si Angel kasama si Aga Muhlach. Melchor M. Bautista

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply