Mag-asawang kapos sa pera nagsaksakan

CAMARINES SUR—Kawalan ng perang panustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan ang hinihinalang pinag-ugatan ng pagtatalo ng isang mag-asawa na humantong sa kanilang pagsasaksa-kan sa Brgy. Beguito Vie-jo, bayan ng Libmanan.

Sa ulat na nakalap mula sa pulisya ng lalawigan, sa tindi ng pagtatalo ng mag-asa-wang Charlie at Ruth Abella ay umabot ang mga ito sa punto ng pagduduwelo.

Nabatid na tanging ang mag-asawa ang nasa kani-lang tahanan nang maganap ang pagtatalo at pagsasaksa-kan ng mga ito.

Laking gulat na lamang ng kapatid ni Charlie na si Leo Abella nang madiskubre sa kusina ang mag-asawa na parehong may tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagawa pang maitakbo sa Sipocot District Hospital ang mag-asawa ngunit agad ding binawian ng buhay si Ruth  habang si Charlie ay inilipat sa ibang ospital sa lungsod ng Naga.

Natagpuan ng mga awto-ridad sa pinangyarihan ng insidente ang isang 14 inch na patalim na pinaniniwalaang ginamit sa duwelo ng mag-asawa.

Ayon sa ilang kapitbahay, madalas mag-away ang mag-asawa hinggil sa pera ngunit hindi nila akalain na hahantong iyon sa trahedya.

Patuloy ang imbestigas-yon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinag-ugatan ng madugong argumento ng mag-asawa. Alex Datu Cruz/Frankie Evado

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply