Magkakapatid nalitson

NATUSTA ang tatlong magkapatid na naiwang natutulog sa loob ng kubo matapos matumba ang kandilang nagsisilbing ilaw na pinagmulan ng sunog, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Langkaan 2, Dasmarinas, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Benardo Bautista, 5; Mayumi Bautista, 3 at Rocky Bautista, 2, pawang ng Sitio Humayao, ng nasabing barangay.

Sa ulat ng Dasmarinas Fire Station, naganap ang insidente dakong 9 ng gabi, nang mamataan na may nasusunog sa lugar  at iyon nga ang tahanan ni Liezel Bautista, ina ng mga biktima.

Nabatid na nasa kasarapan ng tulog ang mag-iina at naiwang nakasindi ang kandilang nagsisilbing ilaw ng mga ito. Dahil sa lakas ng hangin ay natumba ang kandila at tuluyang nagliyab.

Sa bilis nang pangyayari, kaagad na nilamon ng apoy ang kubo na hindi na nakuha pang mailigtas ng ina ang kanyang tatlong maliliit na anak, dahilan upang tuluyang magmistulang nalitson ang magkakapatid. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply