Maguindanao massacre ipinarerepaso

ILIGAN – Nanawagan ang isang grupo ng media sa pamahalaan na repasuhin ang kaso laban sa mga nasangkot sa Maguindanao masaker noong Nobyembre 23, 2009.

Hiniling ng Philippine Media Association (PhilMedia) sa Department of Justice na i-review ang kaso, lalo na ang kasong murder, upang malaman kung sino-sino ang mga sangkot dito.

Ayon kay Ely Barcelona, pangulo ng nasabing organisasyon, may mga lumutang umano na ulat na si dating governor Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, ay hindi sangkot sa kaso dahil nasa Maynila umano ito noong nangyari ang insidente.

Matatandaang halos kalahati sa mga biktima sa nasabing trahedya ay mga miyembro ng media.

Nagpasa ng resolusyon ang PhilMedia na dapat agarang linawing ng DOJ ang kaso laban sa mga nasasakdal.

Napag-alamang ilang tao na ang lumabas upang magpatunay na hindi umano sangkot ang dating ARMM governor sa pangyayari noong Nobyembre.

Kailangan na ring makausad na ang bagong pamunuan sa ilalim ni bagong Maguindanao  Governor Esmael Mangudadatu.

Kamakailan lamang ay nag-utos na ang Philippine National Police na tugisin ang mga malaya pang mga suspek sa masaker.  Ric Clet/Mariz Revales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply