Malakanyang dedma sa himutok ng heneral

WALANG balak si Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na patulan ang anumang mga negatibong  pahayag ni Rear Admiral Feliciano Angue.

Nagrereklamo dating hepe ng National Capital Region Command (NCRCom) at nagsabing biktima umano  siya ng politika kaya’t itinalaga siya bilang commander ng Naval Forces Western Mindanao na nakabase sa Zamboanga City.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na may diskresyon siya  na  ilipat ang isang opisyal na sa kanyang palagay  ay mas epektibo sa nilipatang posisyon gaya  ng naranasan ni  Angue.

“Ako po ang nahalal ng taong-bayan. Parte ho ng papel ko Commander-in-Chief, siya po ang subordinate ko, desisyon ko po ‘yun sumunod siya—ganon lang ka-simple ‘yun,” ani Pangulong Aquino.

Hindi umano niya papatulan si Angue sa pamamagitan ng pakikipag-debate sa kanya tuwing may reklamo ito ukol sa kanyang mga utos.

“Kung everytime na lang po tayong mag-uutos ay may debateng mangyayari, wala na ho tayong kaayusan,” aniya.

“Ang nakakarami po sa Sandatahang Lakas at sa kapulisan na aking paniniwala ay talagang naniniwala na meron talagang hierarchy at meron talagang mandatong nangyari at kailangang sundan nila ang tinig ng bayan,”  paliwanag ni Pangulong  Aquino.

Nauna rito, ipinauubaya naman ng commander in chief kay AFP chief of staff  Ricardo David ang pagtugon sa himutok ni Angue sa paglilipat sa kanya ng pwesto.

Ipinag-ingay ni Angue na  demotion sa kanya ang maging  naval force commander  dahil  may two star rank position lamang ito  hindi aniya katulad ng  maging isang commander ng AFP-NCR  command na may  three star rank position.

Ang paglipat kay Angue bilang commander ng Naval Forces Western  Mindanao ay  matapos na ibunyag  nito na may ilang opisyal ng militar ang nakialam sa  2007 elections. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply