Manila Hotel dapat ang target ni Capt. Mendoza

Tumawag muna si Police Senior Inspector Rolando Mendoza sa tanggapan ng National Capital Region Police Office o NCRPO na kung saan nagbabanta ito na kanyang papasukin ang Manila Hotel kung siya ay ididismiss sa kanyang trabaho bago maganap ang madugong Hostage drama noong lunes ng buong maghapon hanggang gabi.

Ito ang sinabi ng isang hindi nag-pakilalang pulis sa NCRPO na kung saan  binalewala niya ang pagbabanta ng una ng suspek na si Mendoza na kung saan armado ng M 16 armalite riffle, at 45 kaliber pistol, ganap na alas 9:30 ng itoy tumawag sa naturang tanggapan at sinabi nitong papasukin niya ang Manila Hotel.

Subalit nag dalawang isip ito ng kanyang matiyempuhan ang isang paparating na Tourist bus at nakisakay ito patungo ng Hotel, nang kanyang mapansin na maraming sakay ang Hong Kong Tourist Bus ay nag-pasiya na itong ihostage ang mahigit sa 20 pasahero na pawang mga Chinese National upang mamasyal lamang sa bansa at nagdeklara bandang alas 10 pasado ng umaga, hanggang sa alas 9 ng gabi ng maganap na ang madugong insidente na ikinasawi ng sampu katao.

Ayon naman kay NCRPO Director Leocadio Santiago Jr. kanilang kinukumpirma kung totoong tumawag sa NCRPO R3 ang suspek na si Mendoza hinggil sa pagbabanta nito sa kanyang masamang balakin.

Matatandaan alas 10:30 ng umaga ng maganap ang insidente na kung saan alas 11:30 ng umaga naman ng malaman ng ilang mga telebisyon network upang isa ere ang naturang pangyayari at saka lamang nabalitaan ng Manila Police District na may nagaganap na Hostage Drama sa Quirino Grand Stand kung kayat inalarma na ang buong kapulisan ng MPD.

Kaugnay nito personal nang nagbitiw si MPD Director Rodolfo Magtibay bilang hepe,at aniya upang hindi na rin maapektuhan ang magiging resulta ng imbestigasyon na ginagawa ng lahat ng sangay ng PNP kasama ang NCRPO,SOCO, at ilang mga Derectorate Staff ni PNP Chief Jesus A.Verzosa upang mapadali ang resulta ng imbestigasyon.

Samantala tiniyak naman ni Director Santiago na kanilang paiigtingin ang seguridad sa buong metro manila matapos itong humingi ng paumanhin sa gobyerno ng China at maging sa mga pamilya ng nabiktima at aniya kanilang sisiguraduhin na hindi na maganap ang nasabing pangyayari na kung saan itoy isang Wake Up Call sa buong hanay ng Kapulisan. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply