Margarito pupulutin sa ospital kapag nandaya— Pacman

Siniguro kahapon ni WBO welterweight champion Manny “Pacman” Pacquiao na mas maraming boxing fans ang manonood ng kanyang laban sa pagbabalik niya sa Dallas Cowboy Stadium upang tangkaing sungkitin ang kanyang pangwalong  championship title kontra kay 3-time world champion Antonio Margarito.

Ayon sa ulat, sisimulan na ang promotional tour sa laban nina Pacquiao at Margarito sa Miyerkules sa Beverly Hills California at susundan sa New York at panghuli sa Dallas, Texas.

Ayon kay pound-for-pound king, papalo sa 100,000 ang makapapanood ng live ng kanilang laban, taliwas sa hulang 70,000 katao ni Top Rank Promotions President Bob Arum.

Idinepensa din ni Pacman si Margarito sa pagsasabing marami ang may ayaw sa nasabing laban.

Ayon kay Pacman, napagbayaran na ni Margarito ang kanyang kasalanan at sapat na iyon upang bigyan ito ng pagkakataong makaharap siya.

Si Margarito ay pinatawan ng suspensiyon at tinanggalan ng lisensiya matapos na matuklasang may pampatigas na inilagay sa kaniyang kamao sa laban noon kay Shane Mosley.

Subalit binalaan na ni Pacman si Margarito na huwag na huwag niyang gagawin sa kanya ang ginawa nito sa laban nila ni Mosley dahil sa ospital siya siguradong pupulutin at parurusahan niya ito sa loob mismo ng ring at sa harapan ng milyon-milyong fans.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply