MARIEL, DI NAGSISISI NA INIWAN ANG WORK PARA SUNDAN SI BINOE

Hindi raw nagsisisi si Mariel Rodriguez kahit iniwan niya ang kanyang trabaho dahil kay Robin Padilla. Kararating lang ng dalawa mula sa India at ayon sa dalaga, bahala na si Robin kung ano ang mangyari.

Lumabas na nga ang isyung ikinasal na ang dalawa sa India na itinanggi naman ng manager ni Mariel na si Boy Abunda. Sabi pa ni
Mariel, handa raw siyang talikuran ang career para sa isang Robin Padilla, pero palagay raw niya ay hindi darating sa puntong pamimiliin siya ni Binoe. Alam daw naman nito ang buhay-artista at maunawain ito at mapagbigay.

Ayon pa kay Mariel, kay Robin lamang siya nakaramdam ng ganitong uri ng kaligayahan. Ibig sabihin ba, hindi siya naging masaya kay
Zanjoe Marudo? Umapela naman si Mariel sa lahat na maging masaya na lamang para sa kanya dahil masaya naman daw siya ngayon.

MARITAL PROBLEM NINA JESSA, DINGDONG ‘DI GIMIK

Hindi daw gimik ang problema sa buhay-may-asawa, ayon sa singer na si Dingdong Avanzado. Dumadaan daw sila ni Jessa Zaragoza sa pagsubok, pero alam niyang malalampasan nila ito.

Pero kahit may problema sa kanilang relasyon, pinag-uusapan naman daw nila itong mag-asawa. May respeto raw sila sa isa’t-isa kaya maaayos din ang lahat. Hindi raw totoo ang balitang hiwalay na silang mag-asawa, pero kung hindi nga nila maaayos,  posibleng dito  nga hahantong ang lahat.

Hindi rin daw totoong nag-away sila ni Jessa sa parking lot ng isang mall at lalong hindi gimik lamang ang umano’y problema dahil sa
nalalapit niyang concert. Talaga? Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply