Mayor Bernabe bulag sa prostitusyon sa P’ñaque

HAYAGAN ang prostitusyon at operasyon ng bold shows sa mga club sa lungsod ng Parañaque ngunit kapansin-pansin ang pananahimik ng tanggapan ng alkalde ng lungsod at pamunuan ng lokal na pulisya.

Nagtataka ang mga mamamayan ng Parañaque kung  paanong patuloy na nag-o-operate ang mga club na sangkot sa prostitusyon at bold shows sa lungsod tulad ng Asian Entertainment Network nang hindi nalalaman ni Mayor Jun Bernabe.

Ang Asian Entertainment Network ay ilang metro la-mang ang layo sa Baclaran Redemptorist Church sa Roxas Boulevard na maituturing na paglapastangan sa mga debo-tong dumadayo sa naturang simbahan lalo na tuwing araw ng Miyerkules.

Dahil dito, maging ang mga taong-simbahan ay hindi maiwasang maglabas ng kanilang hinanakit sa pamunuan ni Mayor Bernabe.

“Hindi komo nagpapasok ng buwis ang isang negosyo ay pahihintulutan na. Dapat tingnan ni Mayor Bernabe kung may maidudulot na negatibo sa kanyang nasasakupan ang isang negosyo bago payagang mag-operate,” ayon kay aling Melba na isa sa mga tindera ng kandila sa paligid ng simbahan ng Baclaran.

Bukod sa lokal na pulisya ng Parañaque, hinihintay rin ng mga konsernadong mamamayan ng lungsod ang aksyon ng National Bureau of Investigation (NBI), Southern Police District Office (SPDO) at National Capital Regional Office (NCRPO) sa kanilang reklamo hinggil sa mga kalaswaang nagaganap sa mga night club sa lungsod.

Nananawagan din ang mga konsernadong mamama-yan ng Parañaque kay DOJ Sec. Leila de Lim na imbestiga-han ang mga tauhan ng NBI, SPDO, NCRPO at CIDG ka-pag walang umaksyon sa mga ito laban sa mga night club.

Maging si DILG Sec. Jesse Robredo ay tinawagan ng mga ito upang siyasatin kung may mga tauhan ng pulisya o ng lokal na pamahalaan na nakikinabang sa mga club na may prostitusyon.

“Baka po may mga taga-city hall o kaya pulis na nagbibigay ng proteksyon sa mga club sa Parañaque kaya tuloy lang ang operasyon nila,” ayon naman sa isang kagawad ng barangay.
Ang mga kalaswaan sa ilang club sa Parañaque ay maaring mapanood sa website ng Remate na www.remate.ph. Remate Investigative Team

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply