Mga ahensyang may utang binabantayan

PINANGALANAN ng Office of the Ombudsman ang mga ahensya ng gobyerno na ipatatawag nito upang magpaliwanag kung bakit hindi pa mai-liquidate ang kani-kanillang cash advances.

Kabilang umano sa mga ahensyang kasalukuyan nang mino-monitor ay ang: Department of Education (DepEd), Commission on Electiond (Comelec), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Immigration (BI), Department of National Defence (DND), Bureau of Customs (BOC), Philippine Ports Authority (PPA) at National Police Commission (Napolcom).

Idinetalye ng Ombudsman ang mga halagang hindi naiuulat ng mga ahensya: DepEd, P1,614, 449. 595.32; Comelec, P406,029,645.99; PNP, P313,272,983.64; BJMP, P18,205,473.04; BI, P9,886,764.02; DND, P6,329,521.34; BOC, P392,655.87;   PPA, P368,487.67; at Napolcom, P226,889.05.

Sinabi ng Office of the Ombudsman na sa ilalim ng Commission on Audit (COA) circular 97-002, ang lahat ng uri ng cash advances ay kinakailangang ma-liquidate.

Nabatid pa sa Ombudsman na ang pagkabigong ma-liquidate ng accountables officers ang naturang cash advances sa ilalim ng prescribed period ay may kaukulang kaso sa ilalim ng umiiral na batas.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply