Michelle, Aubrey nagtarayan sa Survivor Philippines

HALOS iisa ang daing ng 18 celebrity castaways na sumabak sa Survivor Philippines nang sumabak sa iba`t-ibang challenges na ginawa sa isang malawak, mapanganib at tagong isla sa Thailand.

Super hirap at walang makain, kaya naman nang makauwi raw sila ay iisa rin ang kanilang ginawa— ang kumain ng paborito nilang pagkain.

“Grabe ang hirap na dinanas namin, “bungad ni Aubrey Miles. “Naiyak na lang ako sa hirap, May instance na gusto ko nang sumuko pero nanaig pa rin ang pagsubok.

“Natutulog kami na walang sahig at unan, Kapag umulan pa ay wala kaming magawa kundi mamaluktot sa ginaw,” patuloy pa ni Aubrey.

Tinanong namin siya kung isa ba siya sa mga castaway na nahubaran habang ginagawa ang mga challenges?

“Sa totoo lang, hindi mo na malalaman o mamalayan kung nahubaran ka na dahil ang nasa isip ng bawat castaway ay kung paano ka magsu-survive,” say pa ni Aubrey na mangitim-ngitim ang katawan dahil sa mga pagsubok na dinanas.

Natsika na madalas silang magtarayan sa isla ng sexy actress na ngayon ay girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Jon Hall na isa rin sa mga castaway.

“Okey naman kami ni Michelle. Kung nagkatarayan man kami o nagkasagutan sa isla, ‘yun ay dahil sa mga challenges na dinanas namin doon. Walang personalan dahil iba kasi kapag naglalaban-laban na kayo para mag-survive,” esplika ni Aubrey.

Pinatotohanan naman ito ni Michelle nang hingan din namin ng reaction sa tarayan nila ni Aubrey.

“Okey naman kami ni Aubrey. Walang nangyaring away sa amin. May asawa na si Aubrey. Magkasundo nga kami pero dahil survivor ang pinaglalaban ay hindi mawawala ang sagutan,” say ni Michelle na nangitim din na bumagay naman lalo sa kutis niyang morena.

Ipinakita sa amin ni Michelle ang mga kagat ng lamok niya sa katawan na naging sugat dahil di niya natiis na kamutin.

Pero kahit anong hirap daw ang dinanas niya ay hindi siya susuko dahil nanghihinayang siya sa P3 million premyo ng tatanghaling Survivor Philippines Celebrity Showdown winner. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply