Midnight deal ng LLDA pinatigil

Ipinatigil ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje ang P200M three-storey building na ipinatatayo ng pamunuan ng Laguna Lake Development Authority na hinihinalang isang “midnight deal.”

Ipinalabas ni Paje ang utos matapos palabasin ni LLDA general manager Edgar Manda ang “Notice to Proceed” kay Armando U. Khong Hun, ang kontratista ng P200M building.
Umani ng batikos mula sa iba’t ibang sektor ang konstruksyon ng naturang gusali dahil sa umano’y kawalan nito ng kaukulang approval ng LLDA board.

Ayon kay DENR undersecretary at LLDA vice chairman Teresita Castillo-Samson, nabahala ang LLDA board sa pag-award ni Manda ng kontrata dahil may utos ang naturang board na huwag munang ituloy ang proyekto.

Nais muna nila umanong tingnan ang mga issue kaugnay ng P200M project.
Sa kabila ng utos ng LLDA board, nagpalabas pa rin ng Notice to Award si Manda noong June 28, 2010 o tatlong araw bago manumpa sa tungkulin si Pangulong Aquino.

Sinabi naman ni Rizal Provincial Governor Casimiro Ynares III na miyembro rin ng LLDA board na titingnan nila ang posibilidad na gumawa ng aksyong legal kaugnay ng hindi pagsunod ni Manda sa atas ng board.

Pinuri rin ni Ynares ang pagpapahinto ni Paje sa natu-rang proyekto dahil nabigyan ang LLDA board ng sapat na panahon para pag-aralan ang legal options nito.     Jhie C

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply