Misis ginulpi ni mister dahil sa seks

TUMABINGI mukha ng isang ginang dahil sa suntok at sipa makaraang tumangging makipagtalik sa mister nito, sa Pasay City.

Ang biktima na isinugod ng mga kapitbahay sa pagamutan ay nakilalang si Vanni, hindi tunay na pangalan, 31 anyos, tubong Perez Quezon at  nanunuluyan sa isang bakanteng lote sa naturang lungsod.

Mabilis na tumakas ang manyakis na suspek na nakilalang si Artemiones Reyes, 35 anyos, at residente ng lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas:2:30 ng madaling araw sa bakanteng lote,  kung saan lango sa alak ang suspek na tumabi sa mahimbing na natutulog na asawa dahil sa pagod sa maghapong paglalaba.

Hindi namamalayan na ginang na inaalis ng suspek ang kanyang saplot  hanggang sa umabot na ito sa tuhod.

Ipapasok na lamang ni Reyes ang ari sa asawa nang biglang bumangon  ang huli at nakitang nakahubad ang  una, kung saan ay pilit na pinaghihiwalay ang mga hita nito.

Subali’t tumanggi iang biktima kaya pinagsusuntok siya sa mukha at pinagsisipa kung saan nakatawag pansin sa mga nag-iiskwat doon, at nakita ang mabilis na pagtakas ng suspek na hinabol naman ng ilang kalalakihan.

Ayon sa biktima, simula nang mabarkada ang kanyang asawa sa mga lasenggo ay hindi na nagawa nitong maghanapbuhay para sa kanilang pamilya, kaya tumatanggap na lamang siya ng mga labahan sa mga kapitbahay upang maitawid sa gutom ang lima nilang anak, na ang dalawa ay kambal pa. William de Guzman

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply