Misis tinaga ng selosong mister

MATINDING selos umano ang dahilan kung bakit tinaga ng isang lalaki ang kanyang misis gamit ang itak na pambiyak ng buko kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Nilalapatan pa ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Nenita  Manalang,  55 anyos, residente ng Blk. 6 Lot 20, Phase, 1 Brgy. Nangka, ng nasabing lungsod.

Kaagad namang naaresto ang suspek na si Alfredo  Ma-nalang, 59 anyos na  ngayon ay nakapiit na sa Marikina City Detencion Cell.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang pananaga  sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa.

Nabatid na umuwing la-sing ang suspek at kinompronta ang asawa kaugnay ng umano’y panlalalaki nito. Nang hindi mapaamin ang ginang ay nagwala ang suspek at pinagtataga ang asawa. Kasong frustrated parricide ang isasampa laban sa suspek.   Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply