Mister, lover nagplanong papatayin si misis sa hotel

SINAMPAHAN ng attempted murder ang isang nurse at kasintahan nito matapos pagplanuhang patayin ang dating asawa ng babae sa loob ng pinasukang hotel, kahapon ng madaling araw, sa Pasay City.

Kapwa nakapiit ang mga suspek na sina Jennifer Panganiban, residente
ng 109 Urbano Velasco ave. Pinagbuhatan, Pasig City at boyfriend na si Ramon John Edward Placido, 23, ng Blk. 132 City Homes 2, San Francisco st., Mandaluyong City makaraang madakip ng mga security guard ng Shogun Hotel, na nasa 2842 Taft avenue matapos na makahingi ng saklolo ang biktimang si Mark Raeniel Salartin, 23, isa ring registered nurse at naninirahan sa 2715 Bautista st., Punta Sta. Ana, Manila.

Ayon kay PO3 Simon Respicio, Jr., nagpasiyang maghiwalay ang mag-asawa sa kabila nang pagkakaroon nila ng isang anak bunga nang hindi pagkakaunawaan sa maraming bagay.

Nang makipagrelasyon si Panganiban sa bagong kasintahang si Placido, lagi umano silang ginugulo ng biktima sa pagnanais na makuhang muli ang atensiyon ng dating asawa na labis na ikinairita ng dalawa.

Dakong alas-7:30 ng gabi ng mag-check in sa naturang hotel sina Panganiban at Salartin upang pag-usapan ang problema subalit
ang hindi alam ng huli ay nag-check in din sa katapat namang silid si Placido.

Napag-alaman na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang mapansin ni Salartin na balisa habang labas-pasok sa silid at nagte-text ang asawa hanggang lapitan at makipaghalikan na sa kanya.

Ipinasok ng babae ang kamay sa maselang parte ng katawan ng  dating asawa subalit nagulat na lamang ang biktima nang pisilin ang kanyang scrotum at dito pumasok ng silid si Placido saka siya binigti ng hawak nitong nylon cord.

Nanlaban si Salartin subalit nakakuha ng patalim ang asawa at siya ay
pinagsasaksak habang kinakaladkad sa loob ng banyo.

Sa kabila ng mga tinamong sugat, nagawang makahulagpos ni Salartin at
nagtatakbong palabas ng silid habang humihingi ng tulong sa mga
security guard na dumakip sa dalawa. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply