Montiel naghahanda na vs. Donaire Nonito Jr.

NAGHAHANDA na umano si WBO super flyweight champion at Mexican pugilist Fernando Montiel laban kay ‘The Filipino Flash’ Nonito Donaire Jr. sakaling matuloy ang kanilang sagupaan ngayong taon.

Ayon sa kampo ni Montiel, naghahanda na sila sa pagsagupa kay  Pinoy boxer dahil ito rin ang gusto ni Top Rank boss Bob Arum na siya ring promoter ng Mehikano.

Kahapon ay pinarangalan ni WBO president Francisco “Paco” Valcárcel si Montiel ng kakaibang super champion belt na may nakakabit na singsing dahil sa dalawampung matagumpay na pagdepensa nito bilang WBO champion sa tatlong magkakaibang dibisyon.

Tinanggap ni Montiel ang belt sa Mario Morales Coliseum sa Guaynabo.
Kasabay ng parangal na ito ang pagsikwat ni Giovanni Segura sa mga titulo ng WBO matapos hubaran ng korona si Iván Calderón.

Matatandaan na si Montiel ay naka-20 defenses na sa kabuuan at naging kampeon na rin sa 112, 115 a 118 pound divisions.

Samantala, nagpahayag si WBA Interim Super Lightweight champion Marcos “El Chino” Maidana na gusto na niyang makaharap ang mabagsik na si Amir Khan na alaga ni Freddie Roach.

Ginawa ni Maidana ang pahayag matapos niyang dispatsahin si Demarcus “Chop Chop” Corley  sa isang matinding bout nitong Linggo. GP

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply