MPD director nag-leave; 4 SWAT sinibak

MATAPOS  ang madugong hostage crisis na naganap noong Lunes ay mas minabuti na lang ni Manila Police District Director Chief Supt.Rodolfo Magtibay na magleave sa kanyang sebisyo.

Ang pagbabakasyon ay ginawa ni Magtibay kasunod nang panawagan na sibakin sa puwesto ang mga opisyal sa gitna nang ginagawang imbestigasyon sa hosatge crisis na ikinasawi ng walong Hongkong National.

Kabilang sina PNP Chief Jesus Verzosa, NCRPO  Chief Leocadio Santiago at si Magtibay na nagsilbing ground commander  sa Quirino Grandstand hostage crisis na nauwi sa madugong wakas.

Kahapon inihayag ni Magtibay, na ang ginawa nitong hakbang na mag leave of absence ay bahagi na rin sa pagharap nito sa kanyang responsibilidad

Kasabay nang paggarantiya, na  nakahanda siyang harapin ang ano mang pananagutan sa sandaling matapos ang imbestigasyon ng binuong Critical Incident Management Committee.

Samantala, sinibak na rin ang apat na team leader ng MPD-Special Weapons Action Team (SWAT), habang ang mga baril ng assault  team ay isasailalim sa ballistic examination upang  matiyak na walang bala mula sa kanila ang tumama sa mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply