MPD nagsisinungaling na walang gamit ang SWAT

NAGSISINUNGALING ang Manila Police District na walang kumpletong gamit partikular na ang Special Weapon and Tactics (SWAT) hinggil sa sitwasyon pagdating sa mga hostage drama, lalo na sa naganap na madugong hostage drama noong nakaraang Lunes na ikinamatay ng sampung katao.

Ayon sa impormasyon ng isang hindi nagpakilalang opisyal ng PNP, sinabi nito na kumpleto sa gamit ang MPD lalo na ang SWAT,  kung saan binili pa sa bansang Amerika ang mga kagamitan.

Hinihinala pa, na posibleng ibinenta ng ilang mga pulis MPD ang mga kagamitan kaya wala silang nagamit sa kasagsagan ng krisis noong nakaraang Lunes.

Matatandaan,  napatay ang suspek na si Sr. Insp. Rolando Mendoza, matapos ihostage ang mahigit sa 20 pasahero ng Hong Kong tourist bus na ikinasawi naman ng siyam na katao na mga Chinesse national.

Samantala, nadismaya si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga kapulisan at siya ay nananawagan na maging wake up call na ito sa buong hanay ng kapulisan na hindi na maulit ang sinapit ng mga biktima.

Kaugnay nito magsasagawa ng imbestigasyon ang NCRPO kung totoo ang napabalitang wala o kulang sa kagamitan ang buong hanay ng MPD, ayon naman kay Director Lecadio Santiago.Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply