Night shift enforcers itatalaga ng MMDA

MAGTATALAGA ng night shift  duty traffic enforcers ang Metro Manila Development Authority para magbantay sa mga kolorum na bus na bumibiyahe tuwing hatinggabi.

Sinabi ni MMDA Chair Francis Tolentino, na sinimulan na nila ang operasyon para pagtatalaga ng graveyard shift  traffic enforcers, na magbabantay sa mga lansangan simula alas 10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.

Bukod sa pagpapanatili nang maayos na daloy ng trapiko, layon din nang paglalagay ng graveyard shift traffic enforcers na babantayan ang mga kolorum na bus na kadalasang bumibiyahe tuwing gabi, at para na rin maipatupad ang anti wang-wang campaign ng pamahalaan.

Uumpisahan ang  pagdi-deploy ng 60 night shift traffic enforcers at dadagdagan na lang ito depende sa hinihingi ng trabaho.

Layon din nito na mabawasan ang mga abusadong motorista kapag hatinggabi na bumabale wala sa mga traffic light.

Katuwang ng mga MMDA sa mga panggabing trabaho ang may 60 CCTV camera na nakakabit sa mga lansangan. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply