Ninoy case ipinasasara ni Bongbong Marcos

WALANG  ibang kahilingan ngayon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kundi ang tuluyan nang maisara ang kontrobersiyal na kaso sa pagpaslang kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ang ama ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Marcos na mahalagang tuluyan nang maisara ang isyu sa pagpaslang kay Aquino upang malinis na ang pangalan ng kanyang pamilya.

Sa loob ng termino ng ama ng senador na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos nangyari ang pagbaril kay Ninoy sa ulo noong Agosto 21, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport, na ngayon ay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ang pangalan.

“It is important that we can find closure so that we can move on in our political history and not have to relive the past, the events of many, many years ago,” wika ni Marcos sa gitna ng posibleng pagbubukas muli ng kaso.

Nilinaw ni Marcos na hindi matatahimik ang damdamin ng maraming mamamayan hinggil sa pagpaslang kay Aquino kung hindi tuluyang mailalantad ang tunay na responsable sa krimen.

Inihayag ni Marcos na nananatiling naninindigan ang kanyang pamilya na bukod sa wala silang kinalaman sa pagpaslang, may ibang puwersang posibleng pumaslang sa dating senador upang magsimula ang pagpapatalsik sa kanyang yumaong ama.

“I think for the Marcos family, it is extremely important that we find out exactly what happened because we have never wavered in our belief that there are other forces than those that have already been named, that have already been involved in the killing of Senator Aquino,” ani Marcos.

Aniya, nandoon siya katabi ng kanyang ama nang paslangin si Aquino sa tarmac ng MIA ilang minuto makalipas ang tanghaling tapat.

“Nandoon ako sa Palasyo noong araw na iyon, kasama ko tatay ko. Tapos may tumawag si Gen. (Fabian) Ver. Sinabi na may pumatay kay Ninoy,” ayon kay Marcos. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply