NPC idinepensa ang media sa hostage taking

NAGPAHAYAG ng kanilang reaction ang National Press Club (NPC) hinggil sa paninisi ng ilang sektor at ahensya na ang media umano ang sinasabing may kasalanan sa malagim na resulta ng hostage drama sa may Quirino Grandstand sa Maynila.

Iginiit ni NPC President Jerry Yap na ginawa lang ng mga media ang kanilang tungkulin na i-cover ang insidente at walang malaking pagkakamali ang mga ito sa pagtupad ng kanilang mga responsibilidad.

Binigyang-diin ni Yap na nakalulungkot na katotohanan na madalas masisi ang media kapag may nangyayaring kapalpakan subalit bihira namang purihin kapag may maganda o positibong resulta ang kanilang mga expose at pamamahayag.

Samantala, sinabi naman ng NPC na hindi ang live coverage ng media ang naging dahilan ng madugong hostage taking at huwag umano itong isisi sa media dahil ginagawa lamang ng media ang kanilang trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply