P-NOY, WHAT’S HAPPENING TO OUR COUNTRY?

O ANO na ang nangyayari sa  repablik ni Juan?

P-Noy, what’s happening to our country?

Napupuno na tayo ng disgrasya at hindi grasya.

Pinakahuli ang pagkakamasaker ng walong turistang dayuhang Tsino mula sa Hong Kong sa harapan pa mismo ng Quirino Grandstand, Luneta, Manila na roon pa naman prinoklama bilang bosing ng republika si P-Noy.

Nauna rito, nawasak ang buhay ng tatlo kataong kinabibilangan ng isang beauty queen sa Kabikulan nang banggain ng nawalan ng giya na bus ang kanilang sasakyan.

Ang dami namang  namatay sa Benguet nang mahulog sa 100 metrong bangin ang isang bus.

Panalo na sa halalan bilang bosing si P-Noy nang mahulog naman sa mababaw na bangin ang isang bus sa Cebu na ikinamatay ng maraming Iranian medical student.

What’s happening nga to our country, P-Noy?

Napakadelikado ang ating mga lansangan. Kung hindi ka mamamatay sa disgrasya, mamamatay ka sa kamay ng mga pulis.

Por eksampol dito ang naganap na masaker sa Luneta sa kamay ni hostage taker S/Insp. Rolando Mendoza. Nagpanggap siyang escort para sa kaligtasan, yun pala siya ang mangmamasaker.

oOo

Dahil sa pangyayari sa Luneta, agad na ipinagbawal ng Hong Kong ang pagparito ng kanilang mga mamamayan at pinauuwi na rin ang mga naririto nilang mga kababayang turista.

Medyo ganito rin ang naging patakaran ng Tsina bagama’t sinasabi nitong mananatili ang repablik ni Juan na destinasyon ng mga turista nito.

Sunod-sunod naman ang ibang mga bansa na nagbabala sa kanilang mamamayan na mag-ingat sa pagbiya-biyahe sa repablik ni Juan.

Hindi ko na lang babanggitin, Suki, ang mga bansang ingat na ingat sa pamamamasyal sa ating mga turis atraksyon.

Sa ngayon, maituturing na patay o naghihingalo ang ating turismo na ikinabubuhay ng daan-daang libong lahi ni Juan.

Hindi umuubra ang pagbabalewala nina P-Noy sa hostage taking-masaker bilang “isolated incident.”

Delikado ang Pilipinas, lalo na ang mga lansangan nito.

Sino ngayon ang magtitiwala na pupuwede silang mamasyal nang hindi mamamasaker o madidisgrasya, huh?

oOo

Ang sabi ng mga onorabol, gusto nilang bumawi at naghahanda na sila ng mga programa para ibalik ang Pinas sa mapa ng turismo sa mundo.

Siguro, dapat kambalan ang programang ito ng programang nagtitiyak ng kaligtasan sa ating mga lansangan.

Tiyaking maayos ang mga daan, hindi dispalinghado ang mga sasakyan at hindi abusado ang mga drayber.

Tiyakin ding walang kotong sa mga lansangan. Hindi ba nagsimula sa kotong sa lansangan ang pinag-ugatan ng masaker sa Luneta?

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply