P11-M danyos hinihingi ni Willie sa ABS-CBN

ANG korte ang tamang venue para matapos na ang isyung namamagitan ngayon kina Willie Revillame at ABS-CBN 2.

Hiniling ni actor-comedian Willie Revillame sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang pagkilala o pagbibigay ng “judicial confirmation” sa kanyang
pag-rescind sa kanyang kontrata bilang host ng ABS-CBN noontime show na ‘Wowowee.’

Ang hakbang ay ginawa ni Revillame matapos talikuran  diumano ng ABS-CBN ang pangako kay Revillame ng mga opisyal nito na sina Charo Santos-Concio at Linggit Tan na siya’y pababalikin sa ‘Wowowee’ noong July 31.

Hindi bababa sa sampung halimbawa ng paglabag ng ABS-CBN sa kontrata ang inilatag ni Revillame sa kasong isinampa niya laban sa network noong Biyernes.

Sinabi ni Revillame na siya’y sinuspindi ng ABS-CBN ng walang bayad, binawasan ang air time mula 18 oras tungo sa isang oras na lang kada linggo,
at ilalagay pa mula sa “live” tungo sa isang “pre-recorded” program na anya’y isang uri ng prior restraint at censorship, na wala sa kanyang
kontrata.

Bukod dito, hinayaan rin ng ABS-CBN ang hayagang paninira sa kanyang pagkatao sa mga show nito.

Ayon sa abogadong si Leonard De Vera, karapatan ni Revillame na kanselahin ang kontrata niya sa ABS-CBN dahil wala namang nakasaad dito na siya’y pwedeng suspindihin ng walang bayad, ilagay sa probationary status o kaya’y ilagay sa “rehabilitation.”

Sa isang interbyu, binigyang-diin ni Revillame na may mga testigo na napagkasunduan nila ni Ms. Linggit  Tan, sa pag-uusap sa Tagaytay, at ni Santos-Concio na babalik na siya sa Wowowee sa July 31, taliwas sa pahayag ni Tan na wala umanong ganoong kasunduan.

Bukod diyan ay may dokumento rin na magpapatunay sa kanyang di natuloy na pagbabalik, partikular ang job order ng ABS-CBN sa mga tauhan nito, tulad ng mga karpintero, para ihanda ang bagong set ng Wowowee bago mag-July 31.

“Maghahanap-buhay naman ako para makapagbigay ligaya ako sa mga tao at sa aking mga fans,” ani Revillame sa paghiling sa ABS-CBN na maghiwalay na sila ng landas.

For five years and-a-half buhay ko ang ibinigay ko dyan. Nine o’clock in the morning hanggang gabi, ideas ko ibinigay ko sa kanila,” aniya.

“Bakit ganyan ang trato nila sa akin…Sa Wowowee ang importante rito ay ang tao, hindi po kami. At ang importante rin dito ay ‘yong ikaliligaya ng loob ng studio at yong mga nasa bahay sa buong mundo, yon ang laging nasa isip ko.”

Sa prefatory statement ng complaint, sinabi ng mga abogado ni Revillame na:

“Plaintiff has, for valid reasons, rescinded his contract with ABS-CBN Broadcasting Corp. However, ABS-CBN publicly disputed the rescission and claimed it was the aggrieved party. So the public may know the truth as to who really is the aggrieved party, who truly is at fault, who has been insincere, who acted with evident bad faith, and who broke promises, plaintiff  desires to have his rescission judicially confirmed.” Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply