Pacman ‘iwas-pusoy’ kay Speaker Belmonte

HINDI ipipilit  ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao na makapagsanay sa loob ng gusali ng Batasang Pambansa para sa paghahanda niya sa laban kay Antonio Margarito ng Mexico sa Nobyembre.

Sinabi ni Pacquiao na hindi na siya aapela kay Speaker Feliciano “SB” Belmonte matapos nitong ibasura ang kanyang naunang pahayag na gagawin niyang training ground ang Batasan upang kahit  sa panahon ng  pag-eensayo  ay makadadalo siya ng sesyon sa hapon.

Sinabi pa ng kongresista na sa Montalban, Rizal  na lamang isasagawa ang pag-eensayo upang malapit lamang sa Kamara nang sa gayun ay hindi siya makaliban sa sesyon.

Bandang umaga niya isasagawa ang pagsasanay sa Montalban, na aniya’y tama lamang dahil mataas na lugar ito at bagay sa pagdya-jogging.

Naunang sinabi ni Belmonte na hindi niya papayagang gamitin ni Pacquiato ang Batasan sa pagsasanay nito dahil mapupulitika lamang aniya ang kanyang boxing career.

Nilinaw ni Belmonte na hindi nangangahulugang hindi niya susuportahan ang laban ni Pacquiao dahil ngayon pa lamang ay pinag-iisipan na niya ang manood ng live sa las Vegas, Nevada. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply