Pagbabasura ng VFA isusulong sa Senado

TATALAKAYIN ng Senado anumang araw ang resolusyong magbabasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Sinabi ni Sen. Miriam Defensor Santiago na sakaling pagtibayin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang inihaing Joint Resolution No. 3, kaagad aatasan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na abisuhan ang Estados Unidos ukol sa pagpapatigil ng kasunduan.

“I humbly submit that, just like any other law, it is within the powers of Congress to unilaterally terminate the VFA through a joint resolution. The executive’s role is to give notice of termination to the United States, although the decision itself is one for Congress to make,” paliwanag ni Santiago.

Ayon kay Santiago, kailangan nang magbigay ng abiso sa Washington dahil hindi naman kinikilala ng US Congress ang kasunduan alinsunod sa ipinaiiral na batas at Konstitusyon ng Amerika.

“The VFA was submitted as a compliance with an American law called the Case-Zablocki Act. This Act requires the US President, through the Secretary of State, to transmit to the US Congress, the international agreements entered into by the US government, or by its officials or agencies, which are not characterized as treaties. Thus, the US government does not characterize the VFA as a treaty,” Santiago said.

Inihayag pa ni Santiago na taliwas sa umiiral na batas sa US, hindi maituturing na kasunduan ang VFA sa pagitan ng Amerika at Pilipinas dahil walang isinagawang pagkilos ng Washington upang pagtibayin ng kanilang kongreso ang naturang kasunduan.

“The VFA therefore is not qualified to be valid and constitutional for the reason that it is not recognized as a treaty by the US as a contracting state on the account of its own Constitution and law,” wika pa ni Santiago.

Magugunita na noong nakaraang taon ng buwan ng Setyembre, inadopt ng senado ang Senate Resolution No. 205 na naglalayon na magkaroon ng panibagong negosasyon sa VFA matapos tumanggi ang DFA na magbigay ng notice of termination. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply