Pagbebenta sa RPN-9, IBC-13 pinababantayan

BABANTAYAN ng Kamara de Representantes ang pagsusulong ng administrasyong Aquino na ibenta ang dalawang government-sequestered television stations na RPN-9 at IBC-13.

Binigyang-diin kahapon ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House committee on public information and technology, na kailangang maging transparent ang gobyerno at matiyak na sa kaban ng bayan mauuwi ang anumang mapagbebentahan dito.

Ipinahayag ito ni Evardone bilang paalala sa posibilidad na mapunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal ang mapagbebentahan sa dalawang istasyon.

Magkagayunman, pinapaboran ng kongresista ang pagbebenta sa dalawang istasyon upang hindi na makadagdag pa ang mga ito sa pinaggagastusan ng pamahalaan.

Iginiit pa ng mambabatas na sapat na ang manatili sa kontrol ng pamahalan ang NBN-4 para gamitin ng gobyerno sa pagsusulong sa mga proyekto at programa.

Sa panig naman ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, sinabi nitong dapat masusing pag-aralan ng Palasyo ang nasabing balakin upang matiyak na walang alingasngas sa pagbebenta sa nabangggit na mga TV stations.  Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply