Pagdalo ni Trillanes sa SONA nais ng Palasyo

Ni Kris Jose

KUNG ang Malakanyang ang masusunod, papayagan nitong dumalo si Sen. Antonio Trillanes sa pagbubukas ng ika-15 Kongreso pati na sa mga sesyon ng Senado.

Ikinatuwiran ni  Sonny Coloma, miyembro ng Communications Group, na hindi ordinaryong akusado si Trillanes dahil nanalo ito bilang miyembro ng Mataas na Kapulungan noong 2007 elections.

Itinanggi ni Coloma na may kaugnayan sa nangyayaring mahigpitang labanan sa pagka-presidente ng Senado ang utos ni Pangulong Benigno Aquino III sa Department of Justice (DoJ) na rebyuhin ang kaso ni Trillanes.

Aniya, nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema na bagama’t may mandato si Trillanes, kailangan nitong panagutan pa rin ang mga kinakaharap na kaso.

Gayunman, ipinahayag ni Pangulong Aquino na ang kanyang kinukuwestiyon ay ang malaking pagkakamali sa preparasyon ng kaso.

Matatandaang si Trillanes ay nahaharap sa kasong kudeta matapos pangunahan ang pagkubkob sa Oakwood Hotel noong July 2003.

Sinabi ni Pangulong Aquino na tamang kaso ang dapat isinampa ng gobyerno laban kay Trillanes, bagama’t inamin niyang ang DoJ ang may kakayanang irebyu ito.

“My opinion is they should have rectified the charges,” aniya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login