Pagpapadede ng detenidong nanay inilaban ni Pia Cayetano

UMAPELA  kahapon si Sen. Pia Cayetano sa Morong Regional Trial Court na payagan makadede ang anak ng isang miyembro na tinaguriang Morong 43 sa loob ng anim na buwan sa pamamagitan ng pagpapadala sa ina sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Cayetano, dapat palawigin ng korte ang pagpapadede sa anak ni Judilyn Oliveros alinsunod sa nauna nitong kautusan na palayain ang pinaghihinalaang rebeldeng komunista sa pamamagitan ng recognizance upang maalagaan ang kanyang anak sa naturang pagamutan,

Nakatakda sa kautusan ng korte na tatagal nang tatlong buwan ang pansamantalang paglaya ni Oliveros.

“I hope the court will consider extending Oliveros’ temporary liberty from the original three months to at least six months, which is the recommended period for exclusive breastfeeding by the World Health Organization (WHO),” wika ni Cayetano, Chairperson ng Senate Committee on Youth, Women and Family Relations.

Sinabi pa ni Cayetano na kung hindi palalawigin pa ng korte sa loob ng anim na buwan ang kautusan, mababalewala ang layunin nito na mapangalagaan at maaruga ni Oliveros ang kanyang sanggol sa PGH.

“Mababalewala lamang ang panahon na ibinigay ng korte,” giit ni Cayetano.

Nauna nang pinasalamatan ni Cayetano si Justice Secretary Leila De Lima sa pagpapalabas ng kautusan na huwag nang kotrahin ang apela ni Judilyn  alang-alang sa karapatang-pantao  na siyang naging hudyat upang baliktarin ng korte ang nauna nitong desisyon na ibalik ang ina sa Camp Bagong Diwa matapos itong manganak sa PGH noong Hulyo 22.

“Release on recognizance is the discretion of the court on humanitarian grounds, such as in Judilyn’s case. She’s a nursing mother whose rights as a woman were violated when she was forced to care for her newborn inside a jail cell, which obviously has inadequate facilities for maternal and neo-natal care, ” paliwanag ng senador.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply