Palasyo hindi sinisisi ang media sa Luneta tragedy

NILINAW ng Malakanyang na hindi nito sinisisi ang media sa madugong insidente kamakalawa sa Quirino, Grandstand sa Rizal Park sa Maynila.

Sinabi ni Secretary Ricky Carandang ng Presidential Communications, Development and Strategic Planning na maraming sablay na nangyari kaya naging madugo ang kinauwian ng hostage drama.

“No one said naman na kasalanan ito ng media. Ang tanong lang eh, could we manage the media better?” ayon kay Carandang.

Sa katunayan aniya ay mino-monitor nilang mabuti ang media upang matiyak na walang masasaktang miyembro nito at hindi maging dahilan ang mga ito sa pagkasira ng operasyon ng mga pulis.

“Nakiusap ako sa mga media kahapon na kung puwede ay umatras o mag-pull out sa lugar,” ani Carandang. “This was about the time when they are trying to arrest the brother kasi parang may naririnig tayong putok.”

“I was concerned na reporters are very close to the scene and that some of them might get hurt,” dagdag niya.

Samantala, inatasan din aniya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magsagawa ng briefing sa diplomatic corps upang malaman nito ang tunay na nangyari.

Gayundin pinatitiyak ng Pangulo sa pamahalaan ng Tsina na hindi kailangan sa ngayon ang travel advisory na pumipigil sa mga mamamayan nitong bumiyahe sa Pilipinas.

Nangako rin ang pamahalaan na babalikatin nito ang lahat ng gastusin ng mga namatay na hostage.

Kahapon ng tanghali ay nagdaos ng misa sa Edsa Shrine para sa mga biktima ng trahedya.

Pagsapit ng alas-dos ng hapon ay nagkaroon ng wreath-laying sa Quirino Grandstand kasabay ang prayer vigil sa Cebu City at Davao City.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply