Panalo ni Venus Raj pambawi sa madugong hostage taking

KAHIT  4th Runner-up lang si Maria Venus Raj dahil sa kinabahan  sa final interview sa 2010 Miss Universe, nakabawi pa rin kahit paano sa malaking kahihiyan ang Pilipinas, sa trahedyang kinasangkutan noong Lunes.

Ayon sa pambato ng Pilipinas, sumablay ang sagot niya sa tanong ng judge na si William Baldwin, kung ano ang malaking pagkakamali na nagawa niya sa buhay dahil kinakabahan siya nang husto.

Hindi niya akalaing makakapasok siya sa magic 15, at lalong-lalo naman sa magic 5.

Sa sagot ni Raj na “You know what, sir, in my 22 years of existence I can say that there’s nothing major, major problem that I’ve done in my life because I’m very confident with my family, with the love that they are giving to me. So thank you so much that I’m here. Thank you, thank you so much!”,

Gusto lamang sana niyang sabihing masayang-masaya siyang sinuportahan nang husto ng mga kababayan sa Nevada at sa buong Pilipinas.

Nagpaabot na rin nang pagbati ang mga celebrities at dating beauty queen sa karangalang ibinigay ni Raj sa bansa.

Naunang bumati sina columnist Tim Yap, singer Zsa-Zsa Padilla, celebrity stylist Liz Uy, 1999 Miss Universe First Runner-up Miriam Quiambao, Miss World 2nd Princess  Ruffa Guttierez, and Beauty Queen Charlene Gonzales.

Masaya rin si Anne Curtis na parehong nakapasok sina Raj at ng Ms. Australia sa Top 5 dahil si Anne ay isang Filipina-Australian.

Kahit nagkamali si Venus sa question-and-answer portion, binati pa rin ni KC Montero ang kandidata ng Pilipinas.

Ganito rin ang saloobin ng singer na si Sitti subalit masaya na nakapasok ang Pilipinas sa Top 5 finalists.

Gayunman, ang pinakamatinding impact umano nito ay nabawasan kahit paano ang kahihiyang dulot ng kapalpakan ng kapulisan sa nangyaring tragic hostage drama noong Lunes na kinasangkutan ng isang Captain Rodolfo Mendoza. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply