Pangulong Noynoy inupakan sa “Facebook”

UMAPELA  si  Pangulong Benigno Aquino III ng “ceasefire” sa mga taong patuloy na bumabatikos sa kanya sa pamamagitan ng kanyang Facebook ccount kaugnay sa madugong hostage drama noong nakaraang Lunes sa Quirino grandstand.

Mismong si Pangulong Aquino ang sumagot sa mga batikos na kanyang natanggap sa kanyang  Facebook account sa internet matapos siyang ulanin  ng negatibong reaksyon sa paghawak ng pamahalaan sa ganitong  uri ng krisis na nagresulta ng pagkamatay ng 8 HongKong nationals.-handle ng gobyerno sa krisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.

“Marami na po tayong nabasa at narinig na mga daing at saloobin ng ating mga kababayan, pati ng mga dayuhan na apektado. Pakiusap po na iwasan na lamang ang pakikipagtalo kung hindi naman kinakailangan. Ipakita po natin na tayong mga Pilipino ay marunong rumespeto at umunawa. Maraming salamat po,” ang nakasaad sa Facebook account ni Pangulong Aquino.

Sa kabila nito, hindi pa rin natinag ang mga kritiko at maging ang mga Hong Kong nationals ay nagkomento na rin laban sa sumablay na police operation.

Samantala, nilinaw ng Punong Ehekutibo na ang panawagan niya sa mga  Filipino na huwag patulan ang mga patutsada ng ibang nasyonal sa kanyang facebook account ay hindi nangangahulugan na natatakot siyang masira ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply