Marcoleta lusot sa Commission on Appointments

SINABI  ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte na sa kauna-unahang pagkakataon ay binigyan ng isang pwesto sa makapangyarihang Commission on Appointments ang isang partylist representative dahil sa 20 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga kongresista ay pawang mga partylist.

” For the first time I decided to give 1 seat to the Partylist in recognition to their numbers and this went to Congressman Rodante Marcoleta, a three-term congressman of Alagad Partylist.  I personally nominated him and appointed by the House,” sinabi ni Belmonte.

Si Marcoleta ay uupo sa CA hanggang June 30, 2011 dahil ibang partylist member naman ang magiging kahati nito sa termino.

Pangungunahan naman ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang House contingent ng CA kung saan miembro rin sina Reps. Antonio Del Rosario (Capiz); Rosendo Labdlabad  (Zamboanga Del Norte); Irineo Maliksi (Cavite); Rex Gatchalian (Valenzuela City); Luis Villafuerte (Camarines Sur); Ferjenel Biron (Iloilo); Rodolfo Antonino (Nueva Ecija); Antonio Alvarez (Palawan); Pedro Romualdo (Camiguin); at Simeon Datumanong (Maguindanao).

Kabilang din sa inilagay na chairman ay sina Biliran Rep. Rogelio Espina sa Population Committee; Peoples Participation-Benjamin Asilo (Manila);  Land Use–Jeffrey Ferrer (Negros Occidental); Small Business and enterpreneurship Development-Teodoro Casino
(Bayan Muna) at napunta naman sa oposisyon ang Ethics committee kay Bohol Rep. Erico Aumentado. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply