Pasahod ng MWSS triple

SA KABILA nang pagkalugi, nagawa pang  regaluhan  ng Board of Directors ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) ang kanilang sarili ng multi-milyong bonus kabilang ang lahat ng empleado ng ahensiya na umaabot sa 37 buwan sahod kada taon.

Natuklasan ito ni Sen. Franklin Drilon sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa naglalakihang  bonus at pasahod na tinatanggap ng karamihan sa miyembro ng board of director ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Ayon pa kay Drilon, chairman ng senate committee on finance, na bukod sa hindi nagbabayad kaukulang income tax ang ahensiya, hindi rin naibabalik ng MWSS ang halagang P268 milyong dibidendo sa kinita nito.

“Natuklasan  naman sa pagdinig na bukod sa nalulugi an gang MWSS at LWUA (Local Water Utilities Administration) sa ilang  taon, pero  hindi  naiwasan ng board na magdeklara ng bonus galore na umaabot sa 25 buwan noong 2009 bukod sa 12 month basic salary,” ayon kay Drilon.

“Nadiskubre din naming na yung ultimong driver ng MWSS, mayroon siyang car loan at car plan pero hindi naman nababayaran nang mahusay ang income tax.

“Pinakamatindi dito ang kaso ng LWUA na nakatanggap ng subsidy mula sa pambansang pamahalaan na nagkakahalaga ng P1.9 bilyon noong 2009. Kaya, hindi na nagbabalik ng dibidendo ang LWUA at nakatatanggap pa sila ng subsidy, at nagbibigay pa sila sa kanilang sarili ng pantastikong bonus,” ayon kay Drilon.

Aniya, kaagad niyang tinawagan si Pangulong Benigno Aquino III nang matuklasan ang pang-aabuso na kaagad magpalabas ng executive order upang mapigilan at tuluyan nang matigil ang ganitong uri ng pang-aabuso sa kaban ng bayan.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply