Pilipinas, idedemanda ng Hong Kong authorities

POSIBLENG  magsampa ng “civil suit” ang pamilya ng walong Hongkong nationals  na nasawi sa naganap na madugong hostage crisis  laban sa pamahalaan ng Pilipinas.

Ito ay kasunod nang pagsipot ng isang grupo ng Hongkong police upang magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon kaugnay sa naganap na insidente na ginawa ng dating pulis na si P/Sr Inps.Rolando Mendoza sa isang tourist bus sa Quirino Grandstand sa Luneta Manila.

Nabatid na nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District-homicide section  sina Hongkong Police S/Supt.Lawrence Wang,Detective  S/Insp.Ivy Chan;at Detective S/Insp.Larry Wan,para makipag coordinate kaugnay sa  sariling imbestigasyon na gagawin ng Hongkong Police.

Kasama si Insp.Calveria Macaraeg,hepe ng MPD-HS  ay nagtungo ang mga Hongkong authorities sa crime scene,at nagsagawa ng sarili nilang imbestigasyon.

“Normal naman yon,na humingi ng compensation yong pamilya ng mga biktima sa gobyerno,pero okay naman ang gobyerno natin,sinabi na sasagutin nila”,ayon kay Macaraeg.

Posible umanong gamitin nila ang imbestigasyon sa paghingi ng danyos laban sa pamahalaan,dahil hindi naman na nila maipapakulong si Mendoza.

Inihayag din ni Macaraeg,na nai-turn over na ang mga gamit at pera na nakuha sa mga biktimang  nasawi at sugatan,at wala umanong nawawalang kagamitan ang mga biktima. Jocelyn Tabangcura Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply