Ping basted kay PNoy; warrant of arrest tuloy

BIGO ang pamilya Lacson na makuha ang “matamis na ‘oo’” ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na kanselahin ang warrant of arrest na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court (MRTC) laban sa puganteng si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nahaharap sa double murder case.

Sinabi ni Secretary Herminio “Sonny” Coloma  ng Communications Group na wala sa kamay ni Pangulong Aquino ang pagtugon sa apela ng anak ni Lacson na si Ronald Jay Lacson kundi nasa mga kamay at kapasyahan na ng Court of Appeals (CA) at Supreme Court (SC).

“Ginagalang namin ang desisyon ng korte. Ang korte ang nagpalabas ng arrest warrant laban kay Senador Lacson at walang kinalaman ang Malakanyang diyan,” ayon kay Coloma.

Sinabi umano ng anak ng senador na hindi nila hangad na i-abswelto ng Punong Ehekutibo ang kanyang ama kundi ang hinihiling lamang nila ay isuspinde ang warrant of arrest habang ini-imbestigahan ang kaso.

Inakusahan si Lacson bilang mastermind ng pagdukot at pagpatay sa beteranong  publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at sa drayber nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 24, 2000.

Lumabas ng bansa si Lacson noong Enero 5, 2010, dalawang araw bago  maghain ang Department of Justice (DoJ) na pinamunuan noon ni dating Justice Secretary Agnes Devanadera, ng dalawang bilang ng kasong pagpaslang laban kay Lacson sa MRTC Branch 18.

Kamakailan ay inihayag ng pamilya Lacson  na naging “biased” ang imbestigasyon ng DoJ at ang paghahain ng kaso ng nagdaang administrasyon.

“We maintain that the charge against my father is a form of political vendetta from the previous administration and were based on flawed and selective appreciation of facts,” ayon sa nakababatang Lacson. Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply