PNoy dumipensa sa pag-isnab sa HK execs

HINDI kailanman inisip ni Pangulong Benigno Aquino na “prank caller” si  Chief Executive at Pangulo ng Executive Council ng gobyerno ng  Hong Kong Donald Tsang Yam-Kuen kaya’t hindi kinausap ng una ang huli ng tumatawag ito habang nangyayari ang hostage-drama sa Quirino Grandstand, sa Maynila.

Sinabi ni Presidential Communications, Development and Strategic Planning Sec. Ricky Carandang na talagang walang ideya si Pangulong Aquino na si Donald Tsang ang tumatawag sa kanya dahil kasalukuyan siyang nakikipagpulong noon sa PNP at DILG para sa proseso ng maaayos na pagtatapos ng nasabing insidente.

“Of course not. The first time he didn’t know that Donald Tsang called. He wasn’t aware that Donald Tsang called,” ayon kay Sec. Carandang.

Nabatid na  tumawag si Donald Tsang sa trunkline ng Malakanyang ng alas-5:00 ng hapon na hindi nga nasagot ng Punong Ehekutibo dahil nakatutok ito sa hostage taking incident.

Nilinaw ni Carandang na kung may ganoon talaga aniyang pagtawag mula kay Donald Tsang ay batid niyang ipagbibigay-alam agad sa kanya iyon ng DFA.

“By then, it was too late. Donald Tsang had issued his angry statement saying that he couldn’t get through to the president. (Palace just trying to be prudent) Yes. But it’s not true that they didn’t know who he was. They knew who he was. And he was Donald Tsang.  They knew who he was. It just didn’t go through the normal channels,” wika ni Carandang. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply