PNoy nagsori sa pagngiti sa hostage incident

HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Benigno Aquino III sa publiko lalo na sa mga Chinese nationals sa kanyang pag-smile sa idinaos niyang presscon noong madaling araw ng Martes, Agosto 23,  matapos ang madugong hostage-drama sa Quirino Grandstand, Maynila.

Sa press briefing na idinaos sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay personal na humingi ng paumanhin ang Punong Ehekutibo sa kanyang pag-ngiti.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na na-misunderstood lamang siya sa kanyang naging pag-ngiti dahil ang talagang naramdaman niya noong araw na iyon ay matinding pagkadismaya sa pangyayari.

Walang  nakikitang dahilan ang Malakanyang para pagbawalan ang mga Filipino na magbiyahe patungong HongKong matapos ulanin si Pangulong Aquino  ng pagbatikos mula sa iba’t ibang nasyon kaugnay sa nangyaring madugong  hostage drama.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na naiintindihan nila ang nararamdaman ngayon ng mga Tsino subalit hindi aniya iyon basehan para pagbawalan ng pamahalaan ang mga Filipino na magpunta ng HongKong.  Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply