Posibleng ‘coup’ ‘wag balewalain

NANGANGAMBA si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon na mauwi sa pag-aaklas ng mga sundalo ang kontrobersiya ukol sa promosyon at demosyon sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa isang press conference, sinabi ni Biazon na hindi dapat balewalain ang pag-aalburoto ng mga opisyal ng AFP bunsod ng pinakahuling pangyayari sa AFP, na ang pinakahuli ay ang biglaang demosyon kay Rear Admiral Feliciano Angue.

Si Angue ay tinanggal bilang hepe ng National Capital Regional Command (NCRCom) at itinalaga sa mas mababang naval unit sa Western Mindanao.

“There are rumblings right now, I don’t know if the President is aware of this.  Let’s hope that these are just rumblings, but we need to address it.  We cannot ignore this,” ani Biazon, na dating hepe ng AFP.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na hindi dapat magkaroon ng problema ang AFP sa isyu ng promosyon sapagkat mayroong criteria at mekanismo na sinusunod ang pamunuan nito ukol sa pag-angat ng ranggo ng isang sundalo.

Upang tapusin ang mga ganitong haka-haka ay nais ng kongresista na mabusisi ang aniya’y pagkabalisa ng mga sundalo sa pamamagitan ng paghahain ng isang resolusyong nag-uutos na masiyasat ng Kamara de Representantes ang isyu.

Ayon kay Biazon, dapat lamang busisiin ng Kamara kung nasusunod ang mga regulasyon sa promosyon ng mga opisyal ng AFP, batay na rin sa nakasaad sa Republic Act 291 o ang batas na lumikha ng Board of Generals at Board of promotions. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply