PPS GRAND CHAMP GERALD SANTOS, NAKAWALA NA SA BANGUNGOT

NASA mabuting kalagayan ngayon si Gerald Santos ang Grand winner ng Pinoy Pop Superstar na nagdesisyon na layasan at iwan na ang home network, ang Kapuso na kumupkop, tumuklas at nagkalinga sa kanya sa ilang panahon na pamamalagi nito sa GMA-7.

Tinapos na nga ni Gerald at nagsalita na rin ito dahilan para lisanin niya ang Kapuso at wala naman daw sa mga execs ng Siyete ang problema kundi sa iisang tao lang.

Nagpaalam naman siya ng maayos sa mga execs ng Siyete bago lumipat ng TV5.

Dito nga raw sa bago niyang tahanan ay naramdaman niya ang tunay na yakap ng pagmamahal. Napakapalad nga ni Gerald at kasama siya sa PO5 na isa siya sa mga pambato na singer tuwing linggo sa variety show na ito ng Channel 5.

Sa aminin man at hindi ng TV5 ay malaking factors ang pagpasok ni Gerald sa network na may laksa laksa na itong tagahanga bago pa man ito nag decide na lumipat sa TV5.

Hindi na nga matagalan ni Gerald ang harrassment na nararanasan niya sa isang musical director diumano ang involved ang siyang dahilan kung bakit need na niyang layasan ang network .

Nanghihinayang man ay natakasan na rin niya ang isang madilim na kuwadra na halos magda-dalawang taon na ang lumipas na bangungot para kay Gerald.

Bakit ngayon nga lang daw naibuka at naibulalas ni Gerald at sinarili nito ang bangungot na matagal na niyang nararanasan sa taong buong ningning niyang pinagkatiwalaan.

Takot naman ang sagot ng guwapong singer at ngayon nasa TV5 na ito ay laking pasasalamat nito sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya ni Manny Pangilinan para maging ka family ng TV5.

Sa PO5 ay talaga namang kakaiba ang arrive nitong si Gerald na nanghihinayang man sa pagkawala sa Kapuso ay ganun na lang at lagpas-langit ang kanyang pasasalamat sa management ng TV5 na alam niya na this is it na ang tahanan niya.

Manghinayang man daw ang Kapuso ay huli na at inampon na itong si Gerald ng TV5. Regular na mapapanood ang magaling na singer na si Gerald sa PO5 tuwing linggo.
Abangan! Lovi Llosa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply