Protesta sa Mendiola welcome sa Palasyo

HINDI takot ang Malakanyang sa pagbubukas ngayon ng gate sa Mendiola para sa mga motorista.

“Maganda naman kung nabuksan ‘yan para mas maging accessible ang Palasyo ng Malakanyang at maging mas komportable para sa mga mamamayan, magkaroon na ng free flowing ang traffic,” ayon kay Secretary Hermino “Sonny” Coloma ng Presidential Communications Group.

Inihalintulad ng opisyal ang White House, ang tahanan at opisina ng pangulo ng Estados Unidos, na maaaring lapitan at daanan  ng mga tao.

“Maganda po kung ganoon na nga ang naging desisyon na bigyan na ng access ang mga sasakyan at mga mamamayan sa paggamit ng Mendiola,” wika ni Coloma.

Ang Mendiola gate ay tatagos sa Gate 7 ng Malakanyang, na napasok ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Joseph Estrada sa panahon ng Edsa Tres. Tinawag ang insidenteng iyon na “Malacañang siege.”

Hindi umano pipigilan ang mga raliyista na magsagawa ng matahimik na protesta sa Mendiola. Ani Coloma, kasama sa demokrasya ang mga ito.

Sinabi pa rin niya na gusto ni Pangulong Aquino ay  araw -araw na makita ang  mga mamamayan.

Sa kabilang dako, ipinaubaya na ni Coloma ang pagtatanggal sa tinatawag na “peace arch” na matatagpuan sa Mendiola gate sa kung sinuman ang naglagay nito.

“Kung sino man ang nag-install nun ay kausapin siguro. Ito namang lugar na ito, hindi lang naman Malakanyang. City of Manila kasi ‘yan.  Baka kailangan lang mag-usap kung ano ang pinakamabuti,” dagdag ni Coloma. Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply