Pulis MPD babalasahin

POSIBLENG balasahin ang Manila Police District ng pamunuan ng National Capital Region Police Office hinggil sa sunod-sunod na kapalpakan ng kanilang mga pulis kung saan nitong huli na nalagay na naman sa kahihiyan ang Pilipinas sa naganap na hostage drama, kamakalawa, sa Quirino Grand Stand sa Maynila.

Ayon kay Director Leocadio Santiago, Jr., kanilang irerekomenda sa National Headquarters sa Campo Crame at National Police Commision NAPOLCOM na magsasagawa ng rehabilitasyon ang buong sangay ng MPD, at magsagawa ng seminar  sa lahat ng district office sa buong Metro Manila.

Nabatid sa NCRPO, na malaking sampal sa sangay ng kapulisan ang panghohostage ni Sr. Insp. Rolando Mendoza matapos ang mahigit sa 12 oras na negosasyon na ikinasawi ng 10 katao na pawang mga mamamasyal lamang sa bansa.

Sinabi  na hindi pa nga natatapos ang problema sa isang opisyal ng MPD na nasasangkot sa Torture, muli na namang nadagdagan ang problema .

Sinisisi naman ng ilang mga senador ang MPD Police kung saan inaresto  ang kapatid ng suspek na si SPO2 Gregorio Mendoza at ilang pamilya nito na naghudyat upang pagbabarilin ang mga biktima sa loob ng bus.

Ipinaliwanag naman ng MPD kung bakit inaresto ang kapatid ng suspek dahil sa pagdadala nito ng baril sa halip na pasukuin  ang hostage taker ay inudyukan pang huwag sumuko dahil sa kinumpiska ang kanyang service firearm.

Kaugnay nito, naging mabagal din ang aksiyon ng Special Weapon and Tactics  kung saan kulang-kulang ang mga gamit hinggil sa ganitong sitwasyon at huli na nang hagisan ng teargas ang loob ng Hong Kong tourist bus. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply