Rep. Manny Pacquiao tutulak sa Amerika

TUTULAK  sa Linggo si 7-division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao papuntang Amerika para simulan ang media tour, bilang bahagi ng pag-promote sa nalalapit na laban nila ni dating world champion Antonio Magarito.

Ayon kay Atty. Franklin Gacal, legal adviser ni Pacquiao, una nilang ng pupuntahan ang New York para sa press conference, kasama ang pamosong coach na si Freddie Roach.

Pupunta rin umano ang entourage ni Pacquiao sa Dallas Cowboys Stadium kung saan gaganapin ang World Boxing Council super-welterweight bout.

Umaasa si Atty. Gacal na mabibigyan na ng lisensiya ng Texas Department of Licensing and Regulation si Margarito upang wala ng magiging balakid sa inaabangang laban.

Unang napag-alaman na sa Setyembre 20 sisimulan ni Pacman ang  training sa isang gym na pag-aari ng pamilyang Elorde sa West Avenue sa Quezon City.

Inaasahan rin ang pagdating sa bansa nina coach Freddie Roach, conditioning coach Alex Ariza at ang magiging sparring partners ni Pacquiao na sina Julio Cesar Chavez Jr., anak ng Mexican legendary boxer at Rashad Holloway. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply