Rider tigok sa bangga

PATAY ang isang rider nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kotseng kasalubong nito.

Nabasag ang ulo at nalasog ang katawan si Noel Ciriaco, Jr., 22, ng 47 E. Jacinto st., Brgy. Sto.Niño, Marikina,City, matapos itong maaksidente sa kubardang daan sa Lungsod ng Antipolo.

Sa imbestigasiyon ni PO3 Nelson Lequin, nakilala ang nakabanggaan ni Ciriaco na si Mariano Paligar, nasa hustong gulang, negosyante, ng Sitio Paggulurin, Brgy.San Jose, na siyang nagmamaneho ng Isuzu Sportivo Wagon na may plakang-ZKV-796.

Sa imbestigasiyon, bandang ika-8:20 kamakalawa ng umaga nang magsalpukan ang mga minamanehong sasakyan ng biktima at suspek sa sa kurbadang daan sa Buso-buso Road.

Sa lakas nang pagkakasalpok ng motor ay nabasag ang bungo ng biktima. Jun Ferrer

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply