Robin, Mariel naghahanda na ng engrandeng kasalan

NAKABALIK  na nga sa bansa ang lovers na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez buhat sa bansang India.

Ayon na rin sa aming source, kasalukuyang nasa Cuyapo, Nueva Ecija daw sina Mariel at Robin kung saan may mga inaasikaso ito dun. Isang malaking farm daw dun ang tinitirhan ng dalawa na ayon nga sa aming source, mukhang may mga pinaghahandaang magaganap doon ang dalawa.

Ayon na rin sa bali-balita ng mga taga-roon, mukhang inaayos daw nina Robin at Mariel ang lugar kung saan sa farm na ‘yun magkakaroon ng handaang mala-fiesta na ipinapalagay ng aming source na baka magpakasal doon ang dalawa.

Kung sabagay, knowing Robin Padilla na basta may minahal itong babae at nag-alok ng kasal e, pinakakasalan niya ito ng paulit-ulit saan mang simbahan tulad ng ginagawa niya ngayon kay Mariel Rodriguez.

ASIA’S DIVA, HUMAHATAW NA

Special guest noong August 27 ang tinaguriang Asia’s Diva Maggie Trinidad sa induction ng Nova Rotary Club sa Manila Pavillion,Casino Filipino kung saan si Maggie ang napili nilang artist na magbigay kasiyahan sa mga members ng Rotary Club.

Noong Sunday naman August 29 ay special guest naman siya sa IPM Dancers 3rd anniversary kung saan naganap din ang pinakamalaking dance contest na gaganapin sa Ever Commonwealth na magsisimula 11 ng umaga hanggang 6 ng gabi.

Si Maggie Trinidad ay kinilalang superstar singer sa ibat-ibang bansa sa Asya specially sa Kuala Lumpur kung saan nakakasama niya si Rashid Salleh na isang Malaysian hearthrob na pinakasikat sa telebisyon at pelikula doon, si Niel Ng na sikat na Malaysian/Singapore radio and TV commercial model na may pinakamaraming artista na may sitcom sa telebisyon doon, atbp.

ANAK NI JOSE MANALO NG EB, STAGE ACTOR NA

Baguhan pa lang at likas na mahiyain si Nicco Manalo, pero mabilis niyang napapatunayan ang husay niya sa pagganap bilang stage actor, as in the last staging of Virgin Labfest 6 noong Hulyo, kung saan nagbida siya sa Huling Habilin Ng Sirena (by playwright Layeta Bucoy) bilang isang “probinsiyanang” bading na lumalaban sa isang mapaniil na landlord.

This time, sa upcoming play ng Tanghalang Pilipino, na American Hwangap, isa si Nicco sa tatlong anak ng mga beteranong mandudula, Celeste Legaspi at Bembol Roco (English version) at ng parehang Mario O’Hara at Gina Pareno (in her stage debut), sa Filipino/Tagalog version.  Ang gumaganap na dalawa niyang kapatid ay sina Liesl Batucan at Jeremy Domingo, na mga beteranong mandudula ng Repertory musicals.

“I play Ralph.  Ako ‘yung youngest son nina Mary (Celeste/Gina) and John (Bembol/Mario).  We live in Texas, sa America,” banggit ni Nicco.

Ang dula, mula sa panulat ni Lloyd Suh, isang Koreano, ay tungkol sa pagdiriwang ng ika-60 taong kaarawan (hwangap) among Koreans; isini-celebrate ang okasyon, bilang isang ritwal sa pag-kumpleto ng Eastern zodiac).

“It’s about a Korean family; Min Suk Chun, the dad, na bumalik after 15 years, to celebrate his birthday.  After so many years,  wala na siyang family, and he’s about to confront the situation.  Very interesting.”

Ani Nicco, makaka-relate ang Pinoy audience sa dula, bagama’t ito’y isang Korean play na isina-Pilipino, at ang isa’y isinalin din sa wikang Ingles.  Mapapanood ito sa Little Theater ng CCP, simula Setyembre 10 hanggang Oktubre 3, 2010.

“Apparently, ‘yung culture ng Koreans is very malapit sa Pinoy culture, like ‘yung sa respect for elders.  Very Filipino ‘yan,” pag-assess din ni Nicco.

Ano ang masasabi niya sa pakikipag-trabaho sa mga award-winning veteran actors, like direk Mario O’Hara, Celeste Legaspi, Bembol Roco, and Gina Pareno?

“I’m privileged to work with them,” simpleng saad ni Nicco, na mapapanood sa indie film na Dagim (entry sa Cinema One Originals) at huling napanood sa mga indie projects na 691/2 (feature) at Breakfast With Lolo (short). William Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply